Advertisers
Ni Anne Venancio
Mas pinili ni Heart Evangelista na unahin ang kanyang kalusugan matapos siyang mawalan ng malay sa Milan Fashion Week 2025 dahil sa matinding pagod at sunod-sunod na schedule ng fashion shows at events.
Sa isang episode ng “Heart World,” ibinahagi ng fashion icon na dumalo siya sa humigit-kumulang 14 na fashion shows sa Milan, bukod pa sa iba pang commitments, na nagdulot ng matinding pagkapagod.
“14 shows tapos may mga events pa… Nahimatay din ako sa Milan, na-black out ako sa gitna ng daan after the Versace show,” aniya.
Dagdag pa ni Heart, nakaramdam siya ng panlalamig at pagkahilo bago tuluyang mawalan ng malay.
Ayon sa kanya, nagising na lamang siya na may mga taong umaalalay sa kanya sa labas ng isang restaurant matapos ang insidente.
Mas maingat na umano siya ngayon sa kanyang iskedyul upang maiwasan ang labis na pagkapagod at maprotektahan ang kanyang kalusugan habang patuloy sa international fashion scene.