Advertisers

Advertisers

KimPau ‘inuudyukan’ ng prenup

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Maugong ang balitang nag-propose na raw si Paulo Avelino kay Kim Chiu.

May mga espekulasyon pang lumutang na may ‘meet-the-parents’ o pamamanhikan nang involved sa kanilang relasyon.

Ito ay kahit wala namang naglalabas ng resibo sa social media na makapagpapatotoo ng chika.

Ang siste, kanya-kanyang kuda ng mga katkatera at sawsawera sa socmed.

Katunayan may mga nangbrabraso sa tambalang KimPau na dapat daw ay magkaroon sila ng prenuptial agreement.

May mga nagmamaldita kasing nagsasabing ito ay para sa proteksyon ni Kim.

Anila, mas mayaman at mas maraming naipundar na negosyo raw si Kim kumpara kay Pau.

Natalakay din ito ni Cristy Fermin sa kanyang online show.

Hirit niya, hindi raw dapat maliitin si Paulo dahil di naman knows ng publiko kung magkano ang net worth ng aktor.

Sa tinagal-tagal din nito sa industrya ay may napatunayan na rin ito.

Iyon nga lang, hindi ito mahilig ,mag-flex ng kanyang achievements sa kanyang X.

Dagdag pa niya, hindi rin daw makatarungan na sampalin ito ng prenup dahil insulto ito sa pagkalalake ng aktor.

Well, in fairness naman kay Paulo, wala namang naging isyu sa pagiging good provider nito bilang ama ni Aki na anak niya kay LJ Reyes.

Besides, sa isang samahan, mas importante iyong nagkakasundo sila at nagmamahalan.

After all, they are two consenting adults na nasa tamang edad na para magpatali.

Kung pakakasal na nga sila, for sure maraming magbubunyi lalo na ang KimPau fans.

After “The Alibi” ay nakatakdang magsama uli sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa seryeng “Kopino” na mapapanood sa isang online streaming platform.