Advertisers
SA botong 13-9-2 na pumabor kay dating Senate Minority Alan Peter Cayetano bilang bagong halal na Senate President kapalit ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Kabilang sa mga sumuporta kay Cayetano ay si Sotto, Senadora Pia Cayetano, Loren Legarda, Imee Marcos at Camille Villar, Senador Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Christopher Lawrence “Bong ” Go, Mark VIllar, Francis “Chiz” Escudero, at Ronald “Bato” dela Rosa.
Samantalang siya na boto naman ay nakuha ni Sotto na kinabibilangan nina Senadora Riza Hontiveros, Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Bam Aquino, Panfilo “Ping” Lacson, Erwin Tulfo, Ramon Tulfo, Sherwin Gatchalian, Manuel “Lito” Lapid at Cayetano.
Samantalang ang dalawa namang nag-abstain o hindi namili ng ibobotong Senate President ay sina Senador JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.
Sa panunumpa ni Cayetano bilang bagong pinuno ng senado at sinanamahan siya ng kanyang may-bahay na si Taguig City Mayor Lani Cayetano kapatid na si Senadora Pia Cayetno at ang nanguna naman ng kanyang panunumpa ay si Senadora Camille Villar.
Hindi naman naging madali ang pag-upo ni Cayetano dahil kailangan munang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa senado bago ang naganap na botohan.
Naging makasaysayan ang naging botohan ng Pangulo ng Senado dahil biglang dumalo sa sesyon si Dela Rosa na simula pa noong Nobyembre 2025 ay hindi na siya dumadalo sa sesyon upang matiyak na makakuha ng 13 boto si Cayetano.
Kasabay nito naging hamon ang pagdalo ni dela Rosa sa sesyon dahil sa kailangan niyang tumakbo patungong sesyon hall mula sa garahe ng VIP dahil siya ay tinangkang pigilan at arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Dahil upang magtamo ng sugat sa daliri si Dela Rosa.