Advertisers

Advertisers

Andres, ‘nilayag’ na si Kai

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Nagbubunyi ang shippers ng tambalang KaiDres nina Kai Montinola at Andres Muhlach dahil nilayag na ng Viva heartthrob ang dating PBB housemate.

Kung dati-rati ay ang mag-amang Aga at Atasha lamang nagla-like sa post ni Kai, pati si Andres ay mega-patronize na rin kay Kai.

Sa kanya kasing Instagram, nag-promote si Kai ng kanyang upcoming show na ni-like ni Andres.

Kahit kasi pina-follow nila ang isa’t-isa sa Instagram, never naman naging vocal si Andres kay Kai kaya hindi ito nagiging isyu.

Sa ngayon, keber na lang si Andres kung ma-bash siya ng AshDres fans o doon sa mga nakikisimpatiya sa love team partner nitong si Ashtine Olviga.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers nang mapag-usapan ang isyu sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

“Naku, mahu-hurt ang AshDres fans.”

“At least, nilayag na ni Andres si Kai.”

“Siguradong dadami na naman ang haters ni Kai at pati na ni Andres.”

“AshDres is no longer a love team. Andres is a freelance artist.”

“Paano na iyong umaasa na may seasons 2 at 3 pa ang Ang Mutya ng Section E.”

“Sabi ni Boss Vic, pahinga lang daw muna ang loveteam nila pero hindi pa buwag.”

“So start na ba ito para matuloy ang project nina Kai at Andres?”

“Soft launch ni Andres kay Kai. Hahaha.”

“Grabe naman. What’s wrong with liking a picture?”

“Ang kaso, bakit ila-like mo ang pic ng shini-ship sa iyo kung di pa kayo buwag ng loveteam partner mo?”

“This seems disrespectful for their fans.”

“Grabe namang toxic ng kafaneyan. Grabe ang pressure ng Ashdres fans.”

“Toxic talaga ang love team culture sa Pinas.”

“So babu na siya kay Ashtine.”

“Mas bagay naman kasi sila ni Kai.”

Maliban kay Andres, marami rin ang nagshi-ship kay Kai sa Kapamilya actor na si Kyle Echarri, samantalang ang dating love team partner ni Andres na si Ashtine Olviga ay ‘on solo mode’ for the meantime.