Advertisers
Ni Anne Venancio
CEO na ng kanyang sariling skinline business si Jennylyn Mercado, ngunit nananatili pa rin siyang endorser ng Beautederm matapos muling pumirma ng kontrata noong Mayo 6 sa Solaire North, Quezon City para sa Reverie air & fabric freshener.
Ayon kay Jennylyn, kinabahan siya noong una niyang ipaalam sa Beautederm CEO na si Ms. Rei Anicoche-Tan ang tungkol sa kanyang sariling negosyo dahil inakala niyang maaaring magkaroon ito ng conflict sa kanilang partnership. Pero ikinatuwa ng aktres na sinuportahan ang kanyang bagong venture.
Sa nasabing event, ibinahagi rin ng aktres na patuloy ang kanilang magandang samahan at nananatiling matibay ang tiwala sa isa’t isa sa kabila ng kanyang pagpasok sa pagiging CEO.
Samantala, napag-usapan din ang personal na buhay ni Jennylyn, kabilang ang posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong anak.
Sa ngayon, naka-focus daw muna ang aktres sa pagpapalaki kay Dylan.
Ibinahagi rin niya na may naka-store silang embryo sa Texas, U.S., ngunit wala pa silang desisyon kung kailan ito gagamitin, dahil nais muna nilang paghandaan nang mabuti ang kanilang next baby.