Advertisers

Advertisers

SocMed Personality Dovie San Andres Nanghina At Breakdown Sa Interview Sa Vlog; Masayang Episode Today With “Prince Of Talk” Toni Co And MagdalenaFox

0 4

Advertisers

Ni Peter Ledesma

Bumigay o nag-breakdown ang friend naming Social Media Personality na si Dovie San Andres. Ito ay matapos ng aming Vlog interview sa kanya direct from Canada via a video call. Paano, hindi bibigay si Dovie na nag-breakdown e bumalik sa alala nito ang masaklap na nangyari sa kanya noong 2009 nang maloko o mabudol siya ng half a million of pesos ng director na si Paolo Buera. Ayon pa kay Dovie after raw ng aming panayam sa kanya ng aking friend at tandem sa Showbiz Vlog na si Pete Ampoloquio ay iyak raw siya ng iyak at nag-ayos ng kanyang ipapa door to door na mga gamit sa Pinas.

Masakit para kay Dovie na noong mga panahong niloloko siya ng harap-harapan ni Buera, ay wala siyang lakas na lumaban. At awang- awa si Dovie sa dalawa niyang anak na si Elrey Binoe at Duke na sa murang edad nila ay nakaranas sila ng hindi magandang experienced sa director. Na hindi tinupad ang pangako nito sa kanilang Mommy Dovie na may pelikula sila. Samantalang naibigay na ng buo kay Direk Buera ang pang-produce ng pagbibidahan sana nilang movie. At kung kay Dovie ay nagdulot ng matinding trauma sa pang-scammed sa kanya ng kalahating milyon at pagnakaw nito ng kanyang Jewelries at Canon Movie Camera na hindi na sinoli. Sina Elrey Binoe at Duke ay nagkaroon ng depression at phobia. Kaya hindi raw talaga titigil si Dovie, hangga’t hindi nito nakukuha ang hustisya sa malaking atraso sa kaniya ni Buera. Gusto niya itong maipakulong at desidedo at seryoso siya rito. Nakasuporta kami anumang oras kay Dovie sa mga gagawin niyang hakbang laban kay Direk Paolo Buera.

***

Tiyak na riot, at masayang episode ang inyong mapapanood ngayong hapon sa well followed at pinag-uusapang “Talk Express” ni Toni Co.

Dahil ang makakasama ni Toni, ay ang Vlogger na may nakakatawang video online at unti-unti gumagawa ng ingay at pangalan na si MagdalenaFox. Sino ba ang hindi matatawa kay Magdalena Fox, kapag nagpe-feeling mayaman ito sa kanyang Vlog. At syempre kapag nagsama sila ng tinaguriang PRINCE OF TALK(Toni Co) ay tiyak na funny at riot. Tiyak na uungkatin mamaya ni Toni, ang buhay ng nasabing guest sa likod ng camera. By the way happy si Toni sa patuloy na pag-angat ng bilang ng views ng kanyang Talk Express at sa positive reviews ng show. Si Direk Kent Martin Dy ang director at scriptwriter ng TE. Mapapanood ang Talk Express, every Saturday at 5:00 P.M sa KDM Studios Youtube Channel at FB Page also in Cignal TV.