Advertisers
Ni Dominic Rea
Sa parehong panig, ano kaya pakiramdam nina Mayor Mark Alcala at Kaila Estrada sa usaping panakip-butas lang daw sila sa nasirang relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Sa kabila ng patuloy na tagumpay ng KathNiel sa kani-kanilang showbiz career individually ay patuloy naman ang pamba-bashed sa kanilang mga partners sa ngayon. May mga nagsabi pang maghihiwalay din ang mga ito at ang iba naman ay hoping parin na sa dulo ay KathNiel pa rin ang pagtatagpuin! Pero nanatiling tahimik ang kampo ng dalawa magpahanggang ngayon. Nanatiling pribado noong una pero ngayon ay lantad narin sa kani-kanilang lovelife. Ang masakit lang sa kumpolan ng mga tsismosa, panakip butas daw ang pagpasok nina Mark at Kaila ng dalawang sikat na sina Daniel at Kathryn! Well, love is love! Ibahin natin! Malay natin that love truly exist! Diva!
DALAWANG LOVETEAM NG GMA SIKAT LANG SA SOCIAL MEDIA?
Hay naku! Marami ang nagkomento sa facebook post ko kamakailan. Ito ay patungkol sa dalawang loveteam ng GMA Network na super pushed to the highest level ang kanilang ginagawa pero hanggang social media lang ang kasikatan! Sabi pa ng aking kausap, bigyan nila ng big movie project ang dalawang loveteam na yan at magkaalaman kun totoong sikat sila at hindi lang sa social media! Sa totoo lang, maraming artista ngayon ang sumikat lang o sikat lang sa social media pero kapag nagkaroon na ng teleserye o pelikula ay nilalangaw naman ito sa viewers at takilya! Kaya i dare this network! Sige! Bigyan niyo ng pelikula yan na pang-mainstream at magkaalaman na!
REGINE VELASQUEZ NAPAGOD NA BA SA PAGKANTA?
Totoo bang tuluyan na ngang tutuldukan ni Regine Velasquez ang kanyang karera bilang isang singer? Finale eme kasi ang title ng kanyang nalalapit yata na concert eme! Kaya naman sinasabi ng mga bubwit na napagod na raw ang songbird! Is it napapanahon na ba? O baka naman, gusto na talagang mag-retiro ni Ate Regine sa mga concerts at special events nalang ang kanyang tatanggapin? Nag-usap kaya sila ni Ogie? Well, tanyag naman siyang bituin sa musika at wala na rin siyang dapat patunayan noh! Mayaman naman na siya! Eh di sige songbird! Kung ayaw mo na mag-twit twit, gow na! Yun na!