Advertisers
Bilang pagkilala sa husay, sipag, at dedikasyon ng mga kabataang Caloocan, muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang matatag nitong suporta sa edukasyon at sports matapos pagkalooban ng cash incentives ang 162 mag-aaral at atle-tang nagbigay ng karangalan sa lungsod.
Sa isinagawang awarding ceremony, personal na ginawaran ng insentibo ang mga estudyante ng University of Caloocan City (UCC) na matagumpay na nakapasa sa iba’t-ibang board examinations, gayundin ang mga atletang nagkamit ng medalya sa Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA).
Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala ang 107 na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre 2025, 24 Certified Public Accountant (CPA) Board passers, at 30 medalists mula sa LCUAA 2025 na nag-uwi ng karangalan para sa lungsod sa larangan ng sports.
Bukod dito, espesyal ding kinilala si Ms. Mona Liza V. Miña matapos nitong makamit ang ika-9 na pwesto sa NAPOLCOM Examination noong Oktubre 2025—isang pambihirang tagumpay na nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataan ng Caloocan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pagbibigay ng cash incentives ay hindi lamang simpleng gantimpala kundi isang simbolo ng pagpapahalaga at pagkilala sa sakripisyo, tiyaga, at determinasyon ng bawat estud-yante at atleta. Ipinakita rin nito ang patuloy na layunin ng lungsod na hikayatin ang mga kabataan na magsikap at mangarap nang mas mataas.
Pinuri rin ng mga opisyal ng lungsod ang mga magulang, guro, coaches, at pa-milya ng mga awardees na naging katuwang sa tagum-pay ng mga kabataan. Ani nila, hindi magiging posible ang mga tagumpay na ito kung walang suporta at gabay ng mga taong nasa likod ng bawat achiever.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa lokal na pamahalaan dahil sa pagkilala sa kanilang pinaghirapan. Ayon sa ilan sa kanila, mala-king inspirasyon at tulong ang natanggap nilang insentibo upang lalo pang magsikap at maabot ang mas matataas na pangarap.
Patuloy namang tiniyak ng lungsod na hindi titigil ang kanilang mga programa para sa edukasyon, scholarship, at sports development upang mas marami pang Batang Kankaloo ang magkaroon ng oportunidad na umangat sa buhay at magtagumpay sa kani-kanilang napiling larangan.
“Sa loob man ng paaralan o sa labas nito, asahan ninyo na patuloy kayong susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pag-abot ng inyong mga pangarap,” mensahe ni Mayor Along Malapitan sa mga pinara-ngalan. (BR)