Advertisers
Mabilis na umaksyon ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan matapos maapektuhan ng sunog ang mahigit 50 pamilya sa Barangay 132, Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), agad na ipinamahagi sa mga residente ang sleeping kits, hygiene kits, inuming tubig, at maiinit na pagkain upang ma-tiyak na may agarang ayuda at pansamantalang kaginhawaan ang mga biktima habang inaayos ang kanilang kalagayan matapos ang insidente.
Ayon sa lokal na pamahalaan, prayoridad ng lungsod ang kapakanan at kaligtasan ng bawat pamilyang naapektuhan ng sunog. Sa gitna ng pagdadalamhati at pangamba ng mga residen-teng nawalan ng tahanan at ari-arian, tiniyak ni Ma-yor Along Malapitan na hindi pababayaan ng pamahalaang lungsod ang mga biktima at patuloy silang aalalayan hanggang sa makabangon muli.
Nagbigay rin ng direktiba ang alkalde sa CSWDD na bantayang mabuti ang sitwasyon sa evacuation area at tiyaking tuluy-tuloy ang pagbibigay ng kinakailangang tulong at serbisyo sa mga apektadong pamilya. Kabilang dito ang karagdagang pagkain, hygiene supplies, at iba pang assistance na maaaring kailanganin ng mga residente sa mga su-sunod na araw. (BR)