Advertisers
Ni Dominic Rea
LDG Productions ni Lito De Guzman ang nag-produced ng pelikulang Desperada sa direksiyon ni Louie Ignacio. Pinagbibidahan ito nina Robb Guinto at Yasser Marta kung saan daw nabuo ang pag-iibigan ng dalawa. Mukhang suwerte nga sa dalawa ang pelikulang ito na ipapalabas na ngayong May 27 sa mga sinehan. Dito rin naging nominado si Robb bilang Aktres sa katatapos lang na Sinag Maynila Festival at si Yasser naman bilang pangalawang bidang aktor at nanalo ito. Thankful din si Robb dahil sa wakas ay hindi nalang pang-Vivamax ang ganda niya kundi pang-big screen na huh! Kunsabagay, mahusay rin namang aktres si Robb at isama mo pa ang kanyang pagiging sexy at magandang mukha! Sana raw ay magtuloy-tuloy na ang paggawa niya ng mainstream films dahil hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na natawid na rin nito ang local television sa bakuran ng Kapuso Network shows! In fairness kay Robb! Korak!
MALE STARLET WALANG UTANG NA LOOB
Mukhang pagbabayaran ng isang male starlet ang kanyang ginawang pambabastos sa kanyang talent manager na nagbigay ng pang-kabuhayan showcase sa kanya for almost a year na! Mukhang sa kangkungan ang bagsak niya dahil sa ginawa niya sa isang taong nagbukas ng pinto para magkaroon siya ng datung at magkaroon ng magandang buhay na hangad niya! Hay naku! Ayon pa sa aking nakausap, literal na digger ang male starlet mapa-babae man o bakla ang maka-relasyon nito huh! Wait! Bakit ganoon? Ano bang trabaho niya bago siya nag-artista-artistahan? Anuman sana yun, dapat sa buhay, marunong tayong tumanaw ng utang na loob! Yun na!
DALAWANG MALE SINGER MAY RELASYON?
Naku! Kalat na kalat na ang tsikang lihim nga’ng may relasyon ang dalawang male, heto huh, male singers! Sa halos lahat ng kompulan ng mga bubwit na matatabil ang dila ay pinag-uusapan ang dalawang male singers na ito! Parehong matangkad at mahamis ang ating dalawang subject sa tsikang ito! Mahuhusay rin kumanta at huwag ka, kung maka-smile sila ay tinalo pa ang winning smiles ng mga beauty queens huh! Katuwa lang sila dahil kung mahusay silang singer, mahusay din naman talaga silang magtago ng kanilang relasyon! Ayon pa sa isang palakang kokak ng kokak, naku, selyado raw ang bibig ng mga close sa kanila or else ay mawawala ito sa kanilang kuwadra! Huh? May takutang nagaganap? Basta! Parehong beauty queen ang dalawa! Mahahamis sila! Yun na! Korak!