Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Growing up, simple lang ang pangarap noon ng beauty queen-actress na si Winwyn Marquez.
Gusto raw niya noong makita ang sarili na nagpe-perform sa TV tulad ng inang si Alma Moreno.
Lumaki raw kasi siyang fan at nanonood noon ng variety show ng ina.
Aminado naman siyang istrikto ang kanyang ama noon dahil ang gusto nito ay makapagtapos muna siya ng pag-aaral bago sumabak sa showbiz o pageantry.
Naging malaking challenge rin daw ang kanyang pangalan sa kanya dahil ini-expect ng mga tao na mananalo siya all the time lalo na noong naging atleta siya sa kolehiyo.
Kaya naman kapag natatalo raw siya ay nakakantiyawan siyang Lose-Lose na kinaiilangan niya noon.
Para kay Winwyn, milestone naman ng kanyang karera ang pagkapanalo bilang kauna-unahang Pinay na nagwagi bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.
Maluwag naman sa puso niyang tinanggap ang pagkatalo niya sa pageantry bilang kandidata ng Miss Universe Philippines noong nakaraang taon.
Aniya, naniniwala raw kasi siyang ang pagkapanalo sa MUP ay bagay na itinadhana.
Malaking boost din daw sa kanya ang pagbalik sa nasabing pageantry dahil napanatunayan niyang kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga kontesera kahit isa na siyang nanay.
Para rin sa beauty queen, Itinuturing niyang biggest crown ng kanyang buhay ang pagiging isang ina.
Si Winwyn ay kasama sa seryeng “Never Say Die” na pinagbibidahan nina David Licauco at Jillian Ward.