Advertisers
ILANG tulog na lang ay magiging realidad na at matatamasa ang tunay na pagbabago mula sa bagong hanay ng mamumuno pangkalahatan sa TCIA for a noble cause.
Walang iba kundi ang subok na sa serbisyo sa kababayang kasama niya sa Kanluran sa kasalukuyan na nagmula sa kanyang bayan sa Silangan.
Sa Hunyo 6 ng taong kasalukuyan, si Mantas Crisanto Cuevas na ang Chosen One.
“Ang maging isang masiglang komunidad ng mga Filipino-Amerikano kung saan ang mga kabataan at nakatatandang kabayan at ka- bisyon natin sa ‘Tanay Club in America’ ay magkakaisa, may dangal, at ipinagmamalaki ang kanilang pinagmulang kultura — nagtutulay ng henerasyon, pinagyayaman ang ating pamana, at lumilikha ng legasiya ng pagkakaisa at paglilingkod mula Tanay hanggang Amerika.
Mga Haligi:
• Para sa Kabataan: “Nakaugat sa Lahi, Handa sa Bukas”
Hikayatin ang kabataang Fil-Am na yakapin ang kanilang dugong Tanay sa pamamagitan ng kultura at pamumuno.
habang hinahanda sila para magtagumpay sa Amerika.
• Para sa Nakatatanda: “Dangal ng Karunungan, Patuloy na Layunin”
Parangalan ang ating mga nakatatanda bilang tagapagdala ng kultura at gabay, tiyaking aktibo, iginagalang, at konektado sila sa bayan at sa komunidad.
Opsyon 2: Hiwalay para sa Kabataan at Nakatatanda
Para sa Kabataan
Aming nakikita ang isang henerasyon ng kabataang Filipino-Amerikano na ipinagmamalaki ang kanilang pagka-Tanayans, nakaugat sa mga aral ng paggalang at bayanihan, at hinuhubog bilang susunod na pinuno ng samahan at ng komunidad (TCIA)
Para sa Nakatatanda
Aming nakikita ang aming mga nakatatanda na namumuhay nang may dangal, saya, at layunin — pinararangalan sa kanilang sakripisyo, aktibo sa makabuluhang samahan, at nagsisilbing buhay na tulay sa mga tradisyon at kwento ng Tanay Club In America,” makabuluhan at kayang gampanang paglingkuran kabayang TCIA”
ISANG TUNAY NA TANAY CLUB, DITO GINAGABAYAN NG MGA NAKAKATANDA, UMAANGAT ANG KABATAAN,AT NABUBUHAY ANG ATING KULTURA….
DALAWANG HENERASYON, ISANG PUSO, ISANG TANAY….
FOR A CHANCE,NEW FACES,
NEW VISION…..
ABANGAN!
Lowcut-Nagpaabot ng pasasalamat so Mantas Cuevas sa mga kaibigang walang sawang sumusuporta sa mga adhikain niya for a cause partikular sa Tanjuatco clan ng Rizal at sa lahat ng Tanayams sa mainit na pag- welcome sa kanyang nakaraang staycation sa ‘Pinas.Love ni Master Crisanto ang mga taga- TANAY hane!