Advertisers

Advertisers

Ex-DPWH Bonoan sumuko sa CIDG

0 7

Advertisers

SUMUKO na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan kasunod ng inisyung arrest warrant ng Sandiganbayan 5th Division nitong Lunes, Hunyo 1.

Base sa ulat, si Bonoan ay personal na humarap sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Magugunitang naunang inilabas ng Sandiganbayan ang arrest warrant para sa kasong plunder para kay Bonoan at iba pa kaugnay sa maanomalyang flood control projects.



Matatandaang, nagpiyansa si Bonoan sa Sandiganbayan Second Division noong Biyernes, Mayo 29 para makakuha ng pansamantalang kalayaan sa gitna ng nakabinbing kasong graft na isinampa laban sa kanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">