Advertisers

Advertisers

NBI, ipinatawag ang ilang personalidad kaugnay ng barilan sa Senado

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na naglabas ng subpoena ang ahensya laban sa ilang personalidad kaugnay ng imbestigasyon sa naganap na pamamaril sa Senado at sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Kabilang sa ipinatawag ng NBI si suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, Pasay City chief of police Joselito De Sesto, deputy chief of staff ni Sen. Robin Padilla na si Jean Robles, at ang tiyuhin ng senador na si Virgilio Carino.

Sinabi ni Matibag, mahalagang maimbestigahan ang papel ng mga naturang indibidwal upang matukoy ang posibleng pagkukulang sa seguridad at kung may pananagutan sa insidente.



Dagdag pa ng NBI, layon ng mga subpoena na makakuha ng malinaw na testimonya at ebidensya na makatutulong sa pagbuo ng masusing ulat hinggil sa nangyaring kaguluhan.

Ang Senate shooting incident aniya ay nagdulot ng matinding pangamba sa publiko at nagbukas ng usapin sa kahandaan ng mga security forces sa loob ng pambansang lehislatura.



Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI at tiniyak ni Matibag na walang sinuman ang ligtas sa pananagutan kung mapatunayang may kapabayaan o pagkakasangkot sa insidente.

Binanggit ng ahensya na ang resulta ng imbestigasyon ay isusumite sa Department of Justice (DOJ) para sa kaukulang aksyon laban sa mga makikitang may pananagutan.