Advertisers

Advertisers

Bossa Nova Princess na si Andrea Gutierrez, dream maka-collab si Sitti Navarro

0 4

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ni Andrea Gutierrez – na kilala sa bansag na Bossa Nova Princess, na ang dream niyang maka-collab o maka-duet ay si Sitti Navarro, na kilala naman bilang Queen of Bossa Nova.

Ito ang tugon niya nang tanungin namin: “If given the chance po, my dream collaboration po talaga is Ms. Sitti Navarro.

“I really admire her bossa nova style, and favorite ko po talaga since bata pa ako yung song niya na ‘Para Sa Akin.’ I feel like ang ganda po ng magiging fusion ng voices namin and it would be such an honor to work with her po.”

Ano ang reaction niya sa bansag sa kanya na Bossa Nova Princess?

Sagot ni Andrea, “Honestly po, nakakakaba pero sobrang grateful din po ako na may mga taong nakaka-appreciate ng music ko. Hindi ko po in-expect na matatawag ako as ‘Bossa Nova Princess,’ kaya sobrang happy po ako.

“For me, malaking compliment po siya, and it motivates me to keep growing as an artist and keep sharing my music with everyone.”

Naka-ilang single na siya and ano ang latest?

Aniya, “I have two singles po, iyong ‘Naghihintay’ and ‘Mestizong Gwapo’ (latest), plus one Christmas song titled ‘Ngayong Pasko.’ I also revived ‘Walang Kapalit,’ which was personally given to me by Tito Rey Valera.

“Iyong Mestizong Gwapo po is a fun and kilig song about having a crush on a guy who’s super charming and attractive. It’s about being captivated by that guy and na-eexperience mo yung excitement and kilig kapag may crush ka.

“Yung Song po na Mestizong Gwapo is relatable siya because I think everyone has experienced that feeling at some point.

Nalaman din namin na bata pa lang ay mahilig nang kumanta si Andrea.

“Bata pa lang po ako, mahilig na po talaga akong kumanta. Pero officially po, nag-start po yung singing career ko nang nanalo ako sa Asia’s Best Singing Competition Season-3 noong 2021,” sambit pa ng mahusay na singer.

-30-