Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan ibinasura hiling ni Romualdez na bawiin ang hold departure order

0 5

Advertisers

IBINASURA ng Sandiganbayan Seventh Division ang hiling ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na alisin ang precautionary hold departure order (PHDO) na ipinataw laban sa kanya.

Base sa desisyong may petsang Hunyo 1 at isinulat ni Associate Justice Lorifel Pahimna, nabigo si Romualdez na magpakita ng sapat na batayan upang payagan siyang bumiyahe sa ibang bansa para sa umano’y medical check-up.

Ayon sa graft court, hindi nakapagsumite ang kongresista ng mga kinakailangang dokumento, kabilang ang medical abstract at iba pang medical records, upang suportahan ang kanyang kahilingan.



Sinabi rin ng korte na nabigo si Romualdez na patunayan na urgent ang kanyang medical consultation at treatment sa ibang bansa.

Dahil dito, hindi nakita ng Sandiganbayan ang sapat na dahilan upang bawiin ang umiiral na precautionary hold departure order laban sa kanya.



Sa desisyon nito, iginiit din ng korte na maituturing pa ring flight risk si Romualdez habang dinidinig ang kasong kanyang kinahaharap.

Ayon sa mga rekord ng kaso, itinuturong pangunahing utak o mastermind si Romualdez sa umano’y anomalya kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad.



Patuloy namang hinihintay ang magiging susunod na hakbang ng kampo ni Romualdez kaugnay ng naging desisyon ng Sandiganbayan.