Advertisers
SUMASAILALIM na ngayon sa fact-finding investigation ng Office of the Ombudsman ang nasa 209 pa na reklamo na kaugnay sa flood control projects.
Ito ang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa isang video message sa isinagawang Southeast Asian Ombudsman Forum (SEAOF).
Kabilang sa sinisiyasat ay ang mga flood control projects na naipatupad sa loob ng anim na buwan nitong 2026.
Iba’t ibang kaso ang umabot na umano sa formal proceedings habang apat ang naisampa na sa korte.
Doble ito sa naunang 124 na reklamo na inimbestigahan ng anti-graft court noong 2025.
Mula sa 124, 36 ang umabot na sa preliminary investigation at administrative adjudication.