Advertisers

Advertisers

MGA BAGONG KAAGAPAY NG IP

0 3

Advertisers

ITINALAGA kamakailan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sina National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Nancy Alaan Catamco at National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Secretary Lope B. Santos III, bilang mga taga-pag-angat at taga-sulong ng pamahalaan sa mga layunin nitong mapaganda ang buhay ng mga nasablaylayan ng lipunan, gaya ng mga katutubo o’ mga indigenous people (IP).

Pormal na naitalaga sila Catamco at Santos III noong ganapin ang Sectoral Unification, Capacity Building, Empowerment, and Mobilization (SUCBEM) Cluster Meeting sa Manila,
kung saan binago ang pamunuan ng nasabing cluster mula sa pamumuno ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa katapusan ni Undersecretary Marlo L. Iringan bilang co-chair ng NCIP at NAPC.

Ang tanong, para saan ang pagtatalaga at ano ang susunod na mga nangyayari?

Agad naman tumugon si NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. na ang sabi, palalakasin nito ang paraan ng pamahalaan na ‘Whole-of-Nation Approach’ sa pagsugpo sa insureksiyon o’ pagrerebelde sa pamamagitan ng pagpapalakas sa komunidad, lalo na ng mga IPs upang di na maimpluwensiyahan, matakot at guluhin ng mga rebelde.

Napapanahon nga, aniya, ang pagtatalaga kina Catamco at Santos III upang mapalawig pa ang pakikibahagi ng mga sibilyan sa ‘efforts’ ng pamahalaan na manatili ang kapayapaan sa malalayong komunidad sa mga kanayunan.

Para kay Torres, ang katahimikan sa malalayong lugar sa mga kanayunan ay mahalagang panatiliin upang magtuloy-tuloy ang kaunlaran isinusulong ng pamahalaan.

Ang kapayapaan nga raw ay mapapanatili di lamang sa pagpasok ng Sandatahang Lakas, kung di, pati na rin sa pagpasok ng mga sibilyan opisyal upang isulong naman ang kabuhayan, at palakasin ang mga komunidad na dating pineste ng mga rebelde.

Sumasangayon ako kay Torres dahil sa pagtatalaga kina Catamco ng NCIP at kay Santos III ng NAPC, pihadong mabibigyan ng focus ang mga katutubo.

Sanay ang dalawang ito, kung ang paguusapan ay kapakanan ng mga katutubo o’ mga IPs. Matagal na rin ang dalawang ito sa public service at nakaulayaw na ang mga IPs sa iba’t ibang lugar sa bansa.