Advertisers

Advertisers

P200 legislated wage hike pinapasertipikahang urgent kay PBBM

0 6

Advertisers

MARIING iginiit ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang P200 legislated wage hike.

Katwiran ni Cendaña, kailangang magkaroon ng makatarungang sweldo ang mga manggagawang Pilipino para ma-feel nila ang upper middle-income status ng Pilipinas batay sa klasipikasyon ng World Bank.

Punto ni Cendaña, para saan pa ang sinasabing pag-unlad ng ating ekonomiya, kung nananatili namang kapos ang sahod ng mga manggagawa sa bansa.



Diin pa ni Cendaña, hindi rin sapat ang P85 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Cendaña, dapat gamitin ng gobyerno ang nabanggit na reclassification ng World Bank upang tiyakin na magreresulta sa pag-unlad ng buhay ng mga manggagawa ang sinasabing pagyabong ng ating ekonomiya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">