Advertisers

Advertisers

John Estrada umattend sa event ni Priscilla

0 2

Advertisers

By Beth Gelena

Dumalo si John Estrada sa event ng ex wife na si Priscilla Meirelles sa grand opening ng Feta, isang Mediterranean restaurant sa Newport World Resorts na pinangangasiwaan bilang brand manager ng dati niyang asawa na si Priscilla.

Ang kanyang pagdalo ay mabilis na naging usap-usapan dahil hiwalay na raw sila ni Priscilla, ngunit marami ang nakakita rito bilang suporta sa bagong negosyo ng dating asawa.

Bagama’t tapos na ang kanilang pagsasama bilang husband and wife, patuloy nilang inuuna ang kapakanan ng kanilang anak na si Samantha Anechka.

Sa mga naunang panayam, sinabi ni John na, maayos ang komunikasyon nila ni Priscilla.

Nagkakasundo sila pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Isinasantabi nila ang mga hindi pagkakaunawaan para sa kapakanan ni Samantha.

Bagama’t maraming netizens ang nag-isip ng iba’t ibang posibilidad, walang pahayag sina John at Priscilla na nagsasabing nagkabalikan sila o may romantikong ugnayan muli.

Ang pagdalo ng aktor ay itinuring ng marami bilang pagpapakita lamang ng respeto at suporta sa mahalagang milestone sa buhay at karera ng dati niyang misis.

Sina John at Priscilla Meirelles ay ikinassl noong 2011.

Kalaunan ay naghiwalay, ngunit nananatiling maayos ang kanilang relasyon bilang co-parents.

Bago si Priscilla, unang ikinasal si John kay Janice de Belen, at mayroon silang apat na anak.

Kahit hiwalay na sina John at Priscilla, nananatili ang magalang na samahan at maayos na co-parenting, at walang ebidensiyang nagpapatunay na nagkabalikan na sila.