Advertisers

Advertisers

Safe Spaces Ordinance, mas pinatindi pa ni Konsehala Rina!

0 2

Advertisers

PARAÑAQUE CITY — No more bastos sa lungsod!

Pasado na sa Parañaque City Council ang pag-amyenda sa Safe Spaces Ordinance para lalong maprotektahan ang mga residente laban sa gender-based harassment.

Ang nasabing batas ay pinangunahan at isinulong ni Konsehala Carina Pablo Gabriel, Committee Chair on Women, Children, Family relations and Gender and Development (GAD).

Sa ilalim ng bagong amiyenda, bawal at parurusahan na rin ang sexual objectification—o ang pagtrato sa kapwa bilang sex object lang sa halip na irespeto ang dignidad nito. Kasama rito ang bastos na hirit, pangmamaliit sa katawan o hitsura, at iba pang katulad na gawi sa mga pampublikong lugar, opisina, eskwelahan, maging sa online.

“Hindi dapat nagiging normal ang pambabastos, pangmamaliit, o pagtrato sa isang tao bilang simpleng sekswal na bagay lamang. Sa pamamagitan ng amendment na ito, mas pinapalakas natin ang proteksyon at dignidad ng bawat Parañaqueño,” diin ni Konsehala Rina.

Ayon sa konsehala, layon nitong wakasan ang iba’t ibang anyo ng harassment na madalas nararanasan ng mga kababaihan at iba pang bulnerableng sektor para matiyak na ligtas at may respeto ang bawat sulok ng Parañaque. (RONALD BULA)