Retired Veteran US Air Force Sir David Danies, First Time Na Napanood Sa DZME Radio Guesting Ng Pretty Wife Na Si Rozz Daniels
Advertisers
By: Peter S. Ledesma
May pagka shy type si Sir David Daniels, sa harap ng camera. Pero very friendly person, naman ang american handsome husband na ito ni Rozz, kaya tulad ng kanyang recording artist wife na si Rozz ay marami rin ang nagmamahal kay Sir David. Alam naman ninyo ang mga pinoy kapag nakakita ng amerikano, ay parang nakakita na rin ng artista.
Pagdating naman sa showbiz career ni Rozz lalo na kapag may guesting ang “Pop Rock Diva” sa TV at Radyo o Mall show at concert. Ay nasa isang tabi at tahimik lang itong si Sir David. At masaya at proud na pinapanood si Rozz lalo na sa mga concert nito. Siya rin ang kumukuha ng picture at video sa mga live performances ni Rozz. Yes hindi stage husband si Sir David, bale nagsisilbi lang siyang advicer ni Rozz, lalo na pagdating sa legalities na may kaugnayan sa singing career ng kanyang partner. At mahal na mahal nito si Rozz at all-out ang suporta ni Sir David sa kanya.
Kaya last July 1, ay nasurpresa ang lahat at sa guesting ni Rozz sa “LOVE DIARIES” sa DZME bilang bahagi ng Radio Tour at promo ng “Bulong Ng Damdamin” nito.
Na pagkatapos kantahin ang 2 songs na Bulong Ng Damdamin at Until I Found You. Sa tindi ng convincing powers ng mga co-host ni DJ Josa noong gabing ‘yon sa Love Diaries na sina Senyong T na Yoyoy Villame ng DZME at ng Gay Stand-up Comedian na si Shoogar Bet. Napapayag ng dalawa na lumabas sa kanilang programa si Sir David na game ring nagpa-interview sa kanila.
Ang bungad na tanong ng tatlo kay Sir David, ay for 37 years nilang pagsasama, ay kung ano ang nagustuhan nito kay Rozz? Sagot nito, ang pagiging humble at hardworking raw ng recording artist wife, ang nagustuhan niya rito. Idagdag pa ang na maganda at mabait si Rozz na tulad niya. Nag-umpisa sa penpal noong late 80’s ang love story ng sweet couple na ito from Wisconsin, USA na merong 4 na anak(3 girls and 1 boy) at isang apo(Wolfgang). Umani ng magagandang papuri si Rozz at Sir David mula sa mga viewers ng Love Diaries, kung saan instant ay naghandog ng Mini-Concert On Air si Rozz Daniels. Maging sina DJ Josa, Senyong T, at Shoogar Bet ay al praises sa napakagandang singing voice ni Rozz. At very thankful, sa mga nabanggit na hosts at sa listeners at viewers ang nasabing “Independent Concert Queen at “Revival Queen!”