Advertisers
MULING babalik sa aksyon si Alex Eala para sa North American hard-court swing simula sa Mubadala DC Open na nakatakda mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2 sa Washington D.C., Estados Unidos.
Ang kalaweting manlalaro sa singles at doubles na paligsahan ng 500-tier meet,ay magsisimula sa kanyang paghahanda para sa huling major na US Open na gaganapin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 13.
Sa Mubadala doubles, muling magsasama si Eala at Amerikanang alamat na si Venus Williams dahil nakatanggap sila ng wildcard entry.
Nagkakampi sina Eala at ang 46-anyos na si Williams sa unang pagkakataon sa Bad Homburg Open sa Germany kung saan nakarating sila sa quarterfinals noong nakaraang buwan.
Tinalo nina Eala at Williams sina Alexandra Osborne at Catherine Harrison sa unang round (round of 16), 6-3, 6-4, bago matalo kina Olivia Nicholls at Tereza Mihalikova, 3-6, 2-6, sa quarterfinals.