Advertisers

Advertisers

Olympus Rising MMA fight card nakatakda sa Hulyo 25 sa Alabang

0 7

Advertisers

ISANG stacked card ng walong laban sa mixed martial arts (MMA) ang nakatakda sa Hulyo 25 habang ang mga elite na amateur fighters ay magdadala ng mga explsibong sipa at malalakas na suntok sa Olympus Rising by TWC sa W South event place sa Alabang, Lungsod ng Muntinlupa.



Magsisimula ang mga laban sa alas-5 ng hapon.

Ang pangunahing laban ay tampok ang isang 56-kilogram na laban sa pagitan ng 21-taong-gulang, 5-foot-6 si Michael “Powefist” Diaz at 20-taong-gulang, 5-foot-6 si Cyrud “The Ferocious” Cabautan.



Itinatampok bilang isa sa mga pangunahing laban ang bakbakan sa pagitan ng 27-taong-gulang na si Manny Nunieza na may taas na 5-foot-6 at 21-taong-gulang na si Greg Samuel Agpoon na may parehong taas na 5-foot-6.

Host ang Titans World Championship (TWC), ipapakita nang live ang fight card sa Kalaro 3.0 Sports Super-app at sa kalaro.gg.