Advertisers

Advertisers

EPIRA amendments, tax exemption hike ise-certify bilang urgent bills — Malacañang

0 7

Advertisers

SINIGURO ng Malacañang na pabibilisin ang pagpasa sa mga panukalang nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ise-certify bilang urgent ang panukalang amyenda sa EPIRA upang alisin ang system loss charges sa electric bill.

Prayoridad din ang panukalang itaas ang income tax exemption threshold sa P350,000 kada taon mula sa kasalukuyang P250,000 upang mabawasan ang pasanin ng mga manggagawa at middle class.



Sinabi ni Castro na hihintayin muna ng Pangulo na maihain ang mga panukalang batas bago ito sertipikahang urgent.

Batay sa huling datos, ayon kay Castro, humigit-kumulang 25% ng supply ng kuryente ng bansa ay mula sa mga renewable energy na target pang itaas sa 35% pagsapit ng 2030 at 50% pagdating ng 2040.



Gayunman, kinilala rin aniya ng Pangulo ang mataas na singil ng kuryente at iba pang isyu sa sektor.

Dahil dito sa kanyang SONA noong Lunes, isinulong aniya ni Pangulong Marcos Jr., ang pag-amyenda sa EPIRA, kabilang na ang panukalang alisin ang pagsingil sa system lost at kaugnay sa VAT sa mga consumer, upang ang mga Pilipino ay magbayad laman sa aktwal na kuryenteng kanilang nagagamit. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">