Advertisers
NAGHAIN si Senador Panfilo “Ping” M. Lacson ng dalawang panukalang batas na naglalayong itaas mula 56 tungo sa 57 ang compulsory retirement age ng mga uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa Senate Bills 2395 at 2396, sinabi ni Lacson na layunin ng panukala na mas mapakinabangan ang kadalubhasaan, pamumuno at kaalamang institusyonal ng mga nakatatandang tauhan, habang nabibigyan sila ng dagdag na panahon upang maipasa ang kanilang kaalaman sa mga nakababatang personnel.
“This bill, which seeks to increase the retirement age of the members of the PNP to fifty-seven (57) years old, intends to give the PNP leadership more time to implement their intended institutional reforms and for the institution to maximize the years-worth of knowledge and skills of their personnel,” ani Lacson sa Senate Bill 2395.
Habang sa Senate Bill 2396, na sumasaklaw sa BJMP at BFP, sinabi ni Lacson na layunin nitong bigyan ang senior officers ng pagkakataong i-maximize ang kanilang “expertise, leadership, and institutional knowledge while providing additional time to impart the same to the younger officers of the bureau.”
Nakaayon din ang dalawang panukala sa ginawang pagbabago sa compulsory retirement age ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Lacson, na nagsilbing Chief, PNP mula 1999 hanggang 2001, nasa 230,410 ang kasalukuyang uniformed personnel ng PNP, habang nasa 26,000 naman ang BJMP at 41,286 ang BFP.
Sa ilalim ng Senate Bill 2395, aamyendahan ang retirement age ng PNP personnel upang maging edad 57.
Gayunman, ang mga uniformed personnel na wala pang isang taon sa serbisyo sa oras na magkabisa ang batas ay magkakaroon ng opsyong magretiro sa edad na 56, at ituturing na compulsorily retired.
Ang kasalukuyang Chief of the PNP ay awtomatikong magreretiro sa edad na 56.
Samantala, layunin ng Senate Bill 2396 na itaas sa 57 ang compulsory retirement age ng uniformed personnel ng BJMP at BFP.
Sa ilalim naman ng panukalang amyenda, kung ang isang opisyal ay may ranggong chief superintendent, director, o deputy director general, maaaring payagan ng Komisyon na manatili siya sa serbisyo nang hanggang isang taon, at hindi na maaaring palawigin pa ang naturang pa-nahon. (Mylene Alfonso)