Advertisers

Advertisers

Jam Leviste nagpakilig sa “Awit ng Puso” at “NASSA,” bumirit sa “Nosi Balasi”

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Mula sa “Awit ng Puso” hanggang “NASSA,” patuloy na pinatutunayan ng 15-anyos na si Jam Leviste na malayo ang maaaring marating ng isang batang may talento, determinasyon at tapang na mangarap.

Grade 9 student na si Jam sa Stella Maris Academy sa Malolos, Bulacan.

Sa launching ng kanyang dalawang kanta sa Music Box noong Agosto 8, pinabilib ni Jam ang audience sa kanyang performance ng “Nosi Balasi,” kung saan ipinakita niya ang kanyang vocal power at kumpiyansa sa entablado. Kabilang sa kanyang mga inspirasyon sina Janine Berdin at Adele.

Nagsimula ang musical journey ni Jam sa pagpe-perform sa mga event ng TEAM (The Entertainment Arts & Media). Mula sa pagiging sweet at mahinhin na performer, kapansin-pansin ang kanyang malaking improvement sa vocal delivery, stage presence at kumpiyansa.

Nadiskubre siya ng kasamahan namin sa TEAM na si Audie See, na tumulong sa kanyang pagpasok sa recording industry kung saan nakapag-voice lesson siya kay coach Ryan Manal.

Naglabas si Jam ng dalawang awitin, ang “Awit ng Puso” at “NASSA (Nawawala Ako Sa Sarili),” na parehong isinulat ng hitmaker na si Vehnee Saturno. Ang music video ay idinirek ng award-winning international filmmaker na si Alexander Kenneth Anderson, kapatid ng aktor na si Gerald Anderson, at nakatambal niya rito si Prince Rae Dantes ng Daydreamer Entertainment production ni Direk Tonz Are.

“I’m so grateful to finally share my music with everyone. ‘Awit ng Puso’ and ‘NASSA’ are just the beginning,” pahayag ni Jam.

Nais din niyang maging inspirasyon sa ibang kabataan. “I want to inspire other teens to chase their dreams—whether it’s singing, acting, or even flying a plane. Don’t be afraid to start,” aniya.

Bukod sa musika, mahilig si Jam sa sports cars, drag racing, amusement parks, pelikula at badminton. Naging bahagi rin siya ng school theater at gumanap bilang lead sa Maleficent.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, prayoridad pa rin niya ang pag-aaral. Nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Mario at Mariciel Andaya, na patuloy na gumagabay sa kanyang career.

Bukod sa pagiging singer, pangarap din ni Jam na maging piloto balang araw. Level up na talaga ang dating pa-sweet girl. Congratz Jam!