Advertisers
NANAWAGAN ang Palasyo sa media na maging maingat at responsable sa pag-uulat ng mga insidente ng pamamaril sa mga paaralan, lalo na’t mga menor de edad ang sangkot.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, kailangang iwasang ilahad ang mga detalyeng maaaring makompromiso ang dignidad at seguridad ng mga bata o makahikayat ng posibleng copycat acts.
Samantala, sinabi ni Castro na patuloy na nire-review ng DepEd at PNP ang security measures sa mga paaralan matapos ang magkahiwalay na insidente sa Tacloban at Zamboanga.
Kabilang aniya sa mga hakbang ang school safety audit, bag inspection, metal detectors, CCTV, dagdag na security guards at nationwide school safety drill sa Agosto 25. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)