Advertisers
SINABI ni Secretary of Interior and Local Government Jonvic Remulla na kinokonsidera nito ang pagde-deploy ng mga pulis sa mga pribadong paaralan sa bansa.
Ito ay kasunod ng nangyaring shooting incident sa loob ng isang private school sa Zamboanga City noong Martes, Agosto 18, na nagresulta sa pagkakasawi ng Grade 9 shooter nito at sa isang Grade 10 na estudyante.
Ayon kay Remulla, nabatid na nagkaroon ng memorandum circular ang Philippine National Police at Department of Education (DepEd) na payagan ang mga pulis sa labas ng mga public schools kasunod ng nangyaring shooting incident din sa Tacloban City nitong Hunyo.
Aniya, tingin niya ay panahon na, na gawin na din ito sa mga private schools.