Advertisers

Advertisers

Marvin Agustin business coach na!

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Naghahanda si Marvin Agustin para sa panibagong tungkulin bilang business coach habang patuloy na pinapalago ang kanyang mga negosyo at showbiz career.

Sa panayam ng PEP.ph, sinabi ni Marvin na nais niyang gabayan ang mga lider ng kanyang mga kumpanya upang mas maging handa sa pagpapalawak ng kanilang operasyon.

Kabilang sa kanyang mga food business ang KAEN, Cochi, Mr. Monk, FHF Noodle & Dimsum House, Minna Japanese Restaurant at Sumo Sam.

Samantala, nagsasagawa rin siya ng training para sa kanyang mga manager, kabilang ang mini-MBA program, upang mapaunlad ang kanilang leadership skills.

Magpapatuloy rin ang kanyang showbiz career. Muli niyang makakasama si Jolina Magdangal sa TV5 series na “Mommy Guard,” na nakatakdang ipalabas sa ikalawang linggo ng Setyembre 2026.

Ayon kay Marvin, mahalaga ang pagiging mapili sa mga proyekto at pagtutok sa mga bagay na may kabuluhan.