Advertisers
Ni Anne Venancio
Masayang-masaya si Boy Abunda sa pagbabalik ni Kris Aquino sa showbiz matapos ang matagal na panahon ng gamutan sa Amerika.
Naging bahagi kamakailan si Aquino ng promotional campaign ng Netflix, na kanyang unang malaking proyekto matapos ang ilang taong pagtutok sa kanyang kalusugan.
Ipinahayag ni Abunda ang kanyang suporta sa dating co-host at matagal nang kaibigan.
“Proud of you, Krissy,” ani Abunda.
Ilang programa na rin ang pinagsamahan nina Abunda at Aquino, kabilang ang “Boy & Kris,” “The Buzz,” “Aquino & Abunda Tonight,” at “SNN: Showbiz News Ngayon.”
Nanatili rin ang kanilang pagkakaibigan kahit wala na sila sa iisang programa. Dati nang binisita ni Abunda si Aquino habang nagpapagamot ito sa Estados Unidos.
Samantala, hindi naging madali ang pagbabalik ng Queen of All Media sa harap ng camera dahil nakararanas pa rin siya ng pananakit at pamamaga dulot ng rheumatoid arthritis habang ginagawa ang proyekto.