Advertisers

Advertisers

DBM muling dinepensahan ang unprogrammed appropriations sa 2027 budget; higit P100B na inilaan bubusisiing mabuti

0 4

Advertisers

KLINARO muli ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi basta-basta magagamit ang Unprogrammed Appropriations (UA) para sa kahit anong proyekto.

Pahayag ito ng DBM sa gitna ng isinusulong na P7.2 trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon sa kagawaran, kailangang matugunan muna ang mga kondisyon o funding triggers na itinakda ng batas para magamit ang UA na aabot sa P112 billion at hindi rin parang blangko na cheke na pwede gamitin kahit saan.



Itinanggi rin ng DBM na pork barrel ito at pondo para sa mga tinaguriang ghost projects na posibleng mauuwi lamang sa bulsa ng iilan.

Una nang nanawagan si Sen. Bam Aquino na ipasa na ang CADENA Act o Blockchain the Budget Bill, para mapalakas ang transparency at pananagutan sa paggasta ng pamahalaan.



Sinabi rin niyang bubusiing mabuti ng Senado kung magagamit ba sa tama ang mahigit P100 bilyon na unprogrammed funds sa 2027 national budget na posibleng mapunta sa flood control projects.

Hindi rin daw katanggap-tanggap ang sinabi noon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na pantay ang ginagawa nilang distribusyon ng flood control projects kahit sa lugar na wala namang baha.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">