Advertisers
WALANG katotohanan o fake news ang mga bali-balita na nagkausap o nagkaroon ng pagpupulong sina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, ayon sa pahayag ng defense spokesperson na si Atty. Michael Poa.
Ginawa ng abogado ang paglilinaw sa mga kawani ng media sa Senado sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial laban kay VP Sara nitong Lunes, Agosto 24.
“Parang ano lang yan yung binato ako ng laptop o kung ano man. It’s fake news,” ani Atty. Poa.
Nauna nang umugong ang mga alegasyon na nais ni VP Sara na magpa-schedule para makausap ang pangulo sa gitna ng pagtalakay ng misuse of confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Nauna na ring sinabi ni Malacañang Press Officer Claire Castro na hindi niya makumpirma ang napaulat na pagpupulong sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ng gobyerno dahil wala siyang personal na kaalaman sa naturang impormasyon.