Advertisers

Advertisers

Senado hati sa postponement ng Brgy. at SK Elections

0 6

Advertisers

HATI ang mga senador sa panukalang maaaring magresulta sa pagpapaliban ng nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, sa pulong balitaan nais ni Senador Francis Escudero na magkaroon agad ng desisyon ang Senado hinggil sa kanyang panukala upang magkaroon ng malinaw na direksyon ang Commission on Elections (COMELEC) sa paghahanda para sa halalan.

Samantala, nauna ng sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nais nilang malaman bago matapos ang buwan ng Setyembre ang magiging pinal na desisyon ng mga mababatas kung itutuloy o ipagpaliban muna ang naturang BSKE.



Gayunman, nilinaw ni Zubiri na ang panukala ni Escudero ay hindi direktang tinatawag na postponement bill kundi isang panukalang pag-aayos o fixing of term ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2387 iminungkahi ni Escudero na itakda sa limang taon ang termino ng mga halal na opisyal ng barangay at SK, mula sa kasalukuyang apat na taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">