Advertisers
Digongdigonhddigong
digongINIHIRIT ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na amyendahan o baguhin ang kanilang electronic court protocol.
Ikinabahala nila ang pagdami ng mga ebidensiya sa kaso na hindi angkop at ang iba ay maaaring walang kuwenta.
Sa paghain nila noong Setyembre 3, 2026, itinuran ng defense team ang pagdami ng mga ebidensiya na nakakabahala dahil sa apektado ang kalidad at dami ng mga materyales na isinumite bago ang pormal na paglilitis.
Mula kasi sa dating 5,000 na mga items bago ang confirmation stage ay lumubo ito ng mahigit 25,000 at may dagdag pa na inaasahang datos.
Ang mga dokumento ay siyang bubuo sa bahagi ng pagdinig sa ilalim ng kaso sa ICC na kinasasangkutan ni Duterte kung saan nahaharap ito sa patayan na may kinalaman sa anti-drug campaign nito.
Ikinakabahala rin kasi ng defense team na ang dami ng mga ebidensiya na kinabibilangan din ng open-source at user-generated material ay mahirap ng iberepika dahil sa kuwestiyon ng authenticity, origin at reliability nito.