Advertisers
NANAWAGAN si Senate President Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad na seryosohin ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte hinggil sa mga banta at pangha-harass laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ayon kay Gatchalian, dapat magsagawa ng sariling imbestigasyon ang kapulisan upang matukoy kung saan nagmumula ang umano’y mga banta.
“Dapat kung meron man banta, kung meron nararamdaman o nakikita ang Bise Presidente na banta sa kanyang buhay at pamilya, dapat seryosohin ito,” pahayag ni Gatchalian sa panayam ng dzBB.
“Nanawagan din ako sa ating kapulisan na on their own dapat imbestigahan kung saan nangagaling itong banta dahil hindi maganda ito,” saad ng senador.
Sinabi rin niyang tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang lahat ng mamamayan maging mataas na opisyal man o ordinaryong Pilipino.
“Ikaw man ay Bise Presidente o ordinaryong mamayanan, dapat protektahan ang ating pamahalaan sa ganyang banta at hindi magagadang pwede mangyari sa kanilang pamilya,” diin ni Gatchalian.
Noong Sabado, nagpiyansa si Duterte sa Quezon City Regional Trial Court matapos siyang arestuhin kaugnay ng kasong grave threats.
Giit naman ng Bise Presidente na matagal na niyang naidokumento ang mga banta at hindi umano siya nakakaramdam ng kaligtasan para sa kanyang sarili at mga anak. (Mylene Alfonso)