Advertisers

Advertisers

Ogie Diaz, P1 milyon ang ibinigay na regalo sa panganay na anak na si Erin

0 2

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Isang milyong piso ang ibinigay na birthday gift ng talent manager at aktor na si Ogie Diaz sa kanyang panganay na anak na si Erin, na nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan noong Agosto 29.

Sa social media post ng kanyang co-host na si Mama Loi, ibinahagi nito ang isang video clip kung saan makikitang iniabot ni Ogie kay Erin ang isang malaking tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Ayon kay Mama Loi, matagal nang ipinangako ni Ogie sa kanyang mga anak na makatatanggap sila ng bonus sa kanilang ika-25 kaarawan basta’t wala pa silang asawa at anak.

“Ang bongga ng birthday gift ni Nay Ogie Diaz kay Erin Pandaan! Dati pa niya sinabi sa mga anak niya na may bonus sila on their 25th birthday kapag single at wala pang anak. Kaya pinagtrabahuhan, pinag-ipunan, at tinupad niya ang kanyang pangako.” ani Mama Loi.

Sa video, ipinaliwanag naman ni Ogie kung bakit niya ibinigay ang malaking halaga sa kanyang anak.

“Pag 25, wala pa kayong asawa, wala pa kayong anak. Tapos iyon, Erin, my gift to you, P1 million.” saad ni Ogie.

Nilinaw din ni Ogie na hindi niya ito ginagawa upang magyabang, kundi dahil nais niyang matupad ang pangako niya sa kanyang mga anak at hikayatin silang sulitin muna ang kanilang kabataan.

Aniya, nais niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang mga anak na ma-enjoy ang kanilang buhay bago pumasok sa pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling pamilya.

Dagdag pa niya, mahirap para sa isang magulang kapag nag-asawa at nagkaanak na ang anak ngunit iniiwan naman ang responsibilidad sa mga lolo at lola upang makapaglibang o mag-gimik.

In fairness sa aking panyerong Ogie Diaz, talagang napakabait niyang ama. Anyway, happy birthday, Erin!

***

Bibigyang-boses ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang pinakabagong dokumentaryo ng ABS-CBN News na “Hindi Suntok sa Buwan ang Kapayapaan,” kung saan tampok ang mga kuwento ng kababaihang Bangsamoro na nasa unahan ng pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

Sa panulat ni ABS-CBN News senior producer Dianne RJ Obdin at Palanca award-winning journalist na si Jeff Canoy, iikot ang dokumentaryo sa kwento ng tatlong kababaihan na dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Women Auxiliary Brigade (BIWAB) at Moro Islamic Liberation Front (MILF), at ang kanilang transisyon sa buhay-sibilyan matapos ang 2014 peace deal sa panig ng gobyerno at MILF.

Ito ang unang sabak ni Jodi sa mundo ng dokumentaryo. Aniya, “I feel honored to be able to do this. I was reading the material at ang dami ko rin natutunan, Na-excite ako about what’s happening next for these women. Peace is something na matagal nilang inasam…they were praying, yearning, and wishing for more. Hindi lang ‘yong mga kababaihan but the whole community is in transition.”

Matatandaan ding kabilang si Jodi sa cast ng 2001 film na “Bagong Buwan” ni Direk Marilou Diaz-Abaya, na sumentro rin sa mga engkwentro sa Mindanao at mga epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan.

Nagpasalamat din ang ABS-CBN News head na si Francis Toral sa partisipasyon ni Jodi sa naturang dokumentaryo. Ika niya, “We were looking for a particular voice that could carry the weight of powerful stories about women searching for purpose in the aftermath of conflict. Jodi’s narration brings life and empathy to these stories that are not often seen and heard.”