Advertisers

Advertisers

Sharon Cuneta, “No Comment” sa Hindi Pagkakaunawaan nina Robin Padilla at Kiko Pangilinan

0 3

Advertisers

Ni Camille Guarin

“No comment,” ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kanyang dating karelasyon na si Sen. Robin Padilla at ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa Senado.

Sa panayam kay Sharon sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nabanggit ni Boy ang mga meme na kumalat online kaugnay ng insidente at tinanong ang aktres kung nakita niya ang mga ito at kung ano ang naging reaksiyon niya.

“Nu’ng hindi nagkaunawaan si Kiko at Binoy, si Sen. Robin Padilla, sa Senado. Alam mo, ang daming memes na lumabas. Nakita mo ang iba? Natawa ka, nagalit ka?” tanong ng King of Talk.

“No comment,” maikling sagot ni Sharon.

Sinundan naman ito ni Sharon ng isang pabirong pahayag tungkol sa kanyang naging relasyon kay Robin at sa kanyang kasalukuyang asawa na si Kiko.

“Ganito na lang, uy, ex ko. Uy, husband ko, tapos na!” ani Sharon.

Nilinaw din ng Megastar na ayaw na niyang palalimin pa ang usapin dahil para sa kanya, isa lamang itong maliit na bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin.

“Stop there. No, I don’t want to comment ’cause it’s sa amin. It was a non-issue,” pahayag niya.

At least, pinili ni Sharon na manahimik at igalang ang magkabilang panig. Anuman ang nangyari sa pagitan nina Robin at Kiko, malinaw na ayaw ng Megastar na palalimin pa ang isang bagay na para sa kanya ay isang “non-issue.”

Iba talaga si Megastar Sharon Cuneta—classy, mahinahon, at marunong rumespeto sa sitwasyon.