Advertisers
Umapila sa publiko ang Bulacan Provincial Public Health na iwasan ang paglusong sa tubig-baha ng walang proteksyon upang maiwasan ang nakamamatay na sakit na Leptospirosis.
Base sa datos ng Provincial Public Health, pumalo na sa 149 % ang taas ng mga tinamaan ng naturang sakit sa probinsya.
Ayon sa mga tauhan ng Disease Surveillance Unit tuloy-tuloy ang pamamahagi nila ng karagdagang suplay ng Doxycycline, laban sa virus mula sa ihi ng daga, mga pamahid para sa athlete’s foot o alipunga na epekto ng matagal na pagkababad sa tubig -baha na dulot ng Habagat.
Ang Leptospirosis Advisory ng PHO-PH, sa lalawigan ng Bulacan ay pumalo na sa 394 na pinaghihinalaang kaso ng Leptospirosis mula Enero 1 hanggang Setyembre 5, 2026, malaking pagtaas mula sa 158 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ng 2025.
Nabaid na sa nakalipas lamang na dalawang linggo, 232 bagong kaso ang naitala na katumbas ng 59% ng kabuuang kaso ngayong taon.
Sa bilang na ito, apat na ang naitalang nasawi dahil sa Leptospirosis, umangat na rin ito sa alert threshold na 535 %.
May mga pasyenteng edad 4 hanggang 76 ang naapektuhan, pinakamataas ang bilang ng mga kaso sa edad 25 hanggang 29, kung saan sa kabuuang bilang, 76% o 300 kaso ay mga lalaki, at pangunahing natukoy na paraan ng pagkakahawa ang exposure sa tubig-baha.
Mula Morbidity Weeks 1 hanggang 35, pinakamataas ang kabuuang bilang ng mga kaso sa syusad ng Meycauayan 58, Lungsod ng San Jose del Monte 47 at Lungsod ng Malolos 39.
Batay naman sa attack rate, nanguna ang shudad ng Meycauayan na may 58 kaso at 2.46 attack rate, sinundan ng Bocaue na may 33 kaso at 2.23 attack rate, at Calumpit na may 24 kaso at 1.97 attack rate.
Kasunid nito’y nagpaalala si Gobernador Daniel R. Fernando na agarang pagpapatupad ng preventive measures upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Leptospirosis at maiwasang lumala ang sitwasyon sa mga susunod na linggo.
“Kailangan din nating higit na paigtingin ang mga hakbang sa sanitasyon at pagkontrol sa mga daga sa sandaling humupa ang tubig-baha at tiyaking sapat ang kaalaman ng bawat komunidad tungkol sa pag-iwas at maagap na pagpapagamot.
Hindi dapat binabalewala o naiiwan nang walang wastong atensiyong medikal ang anumang pinaghihinalaang kaso, at hinihikayat nito ang ating mga lokal na opisyal at health worker na kumilos agad upang maprotektahan ang ating mga komunidad laban sa karagdagang pagkalat ng sakit.(Thony D. Arcenal)