Advertisers

Advertisers

Library at opisina ng principal naabo sa sunog

0 2

Advertisers

Malungkot ang nasa 246 na mga mag-aaral ng Mambog Elementary School, dahil magsisimula na sana ang klase ng mga estudyante mula sa halos isang buwan na walang pasok dulot ng baha nang Habagat.
Dahil isa lamang ito sa pinaka matandang gusali na ginagamit na library, at katabi nito na natupok ng apoy ang opisina ng school principal.
Sa ulat, 9:00 ng gabi, September 12, 2026, nang lumagablab ang apoy, bukod sa mga libro, nasunog rin mahahalagang dokumento at mga electronics na kagamitan ng paaralan.
Samantala magtulong-tulong ang mga Rescue volunteers, Malolos BFP, Bulacan BFP, Bulakan BFP, Pinagbakahan at Sumapa Matanda Volunteers.
Amabot sa unang alarma ang sunog,na idineklarang fire-out 10: 45 ng gabi.
Ayon kay Nanay Lanie Paraiso at Tatay Carlito Crisostomo,na isa sa mga Alumini ng eskwelahan, malaki ang epekto nito sa pag-aaral ng mga bata dahil naabo ang mga libro, naabo ang gamit sa Science.
Samantala, wala namang nasawi o nasaktan sa naturang insidente habang inaalam na ng mga awtoridad kung paano at saan nagsimula ang apoy kaugnay nito’y inaalam na rin ang halaga ng pinsala sa sunog.(Thony D. Arcenal)