Advertisers

Advertisers

Sen. Padilla mas gustong humarap sa ICC kaysa sa DOJ

0 5

Advertisers

MAS gugustuhing humarap ni Senador Robin Padilla sa International Criminal Court kaysa humarap sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong obstruction of justice.

Ginawa ni Padilla ang reaksyon matapos siyang sampahan ng Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice dahil umano sa pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pagpapatupad ng arrest warrant na inilabas ng ICC.

“Ang kaso ko ay nagmula sa warrant of arrest ng ICC na isang dayuhan. Parang pakiramdam ko discriminated ako… Sana dalhin niyo na lang sa ICC ang kaso tutal sila ang sinasabi na dun ako nagkaroon ng pagkakamali,” paliwanag ni Padilla sa press conference.



Iginiit din ng senador na mas masakit para sa kanya na kapwa Pilipino ang nagsampa ng reklamo kaugnay ng isang warrant na nagmula sa dayuhang hukuman.

“Mataas ang pride ko. Proud naman ako na talagang dayuhan ang kalaban ko, kasi masakit naman na ang nagrereklamo sa akin kapwa ko Pilipino. Masakit para sa akin yun,” aniya.



Sinabi ni Padilla na kung ang warrant laban kay Dela Rosa at ang subpoena sa kanya ay nagmula sa korte sa Pilipinas, mas magiging magaan aniya ang kanyang pakiramdam.

“Wala naman kasing warrant galing sa atin… Kung gusto niyo magkaroon ako ng kalaban, wag naman kapwa Pilipino, ilaban niyo ako sa dayuhan para may pride naman ako kaunti,” punto ng senador.



Sa kabila nito, tiniyak ni Padilla na susunod siya sa ipinadalang subpoena ng DOJ at haharap sa mga piskal ng ahensya.

Matatandaang nahaharap si dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa ICC kaugnay ng kanyang umano’y papel sa mga extrajudicial killing sa panahon ng kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)