Advertisers

Advertisers

Mala Himala Movie Sa Rami Ng Extra! “The Fisher” Ni Mon Confiado At Direk Paul Soriano, Et Al, Kapuri-puri At Kahanga-Hangang Pelikula

0 21

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Lahat kaming nakapanood ng advanced screening ng Philippine drama-mystery movie na “The Fisher” sa SM Aura Director’s Club. Ay hindi lang napahanga sa husay at galing ng portrayal ni Mon Confiado and other lead cast. Kundi namangha rin kami sa ganda at kalidad ng istorya ng movie ni Direk Paul Soriano under his film outfit Black Cap Pictures and TEN17 of Direk Paul’s wife Toni Gonzaga.

Yes once again Mon give justice to his role as Pedro na isang fisherman sa kanilang barrio na inabot ng kamalasan. Hanggang sa dumating si Enchong Dee(Hai) na magbibigay suwerte kay Pedro at sa mag-ina nitong si Mercedes Cabral at Heaven Peralejo na magkakaroon ng ugnayan kay Hai. Infairness, to Enchong kahit sa ending lang siya may dialogue ay magaling siya.

Agaw eksena rin sa pelikula ang confrontation scene nina Mon at Eula Valdez na naka-prosthetic at pinapangit rito bilang si Madame at Reyna ng barrio. At ang extra, sa pelikula halos kasing rami ng mga extra noon sa Himala movie ni the late superstar Nora Aunor.

At alam niyo bang bago umpisahan ang shooting ng The Fisher, ay nagpaalam si Mon kay Direk Paul at sa team nito na mauuna na siya sa location nila sa Paoay, Ilocos Norte, at one month na nag-immersion para sa kanyang nasabing role. Mabigat ang mga eksena ni Mon sa The Fisher na nakipaglaban sa halimaw ng dagat at grabe ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng anak na si Tommy Alejandrino na nilamon ng dagat habang nangingisda. Dalawang eksena ang nagpaiyak sa amin ang kalungkutan ni Pedro sa maagang pagkamatay ng anak, at pagyakap nito kay Enchong, bilang pagtanggap rito. Posibleng humakot uli ng awards si Mon sa latest film niyang ito. At si Direk Paul Soriano, naman kahit bihirang gumawa ng pelikula pero mapapa-wow, ka naman sa bawat obra nitong gawin.

Nagkaroon pala ng international premiere ang The Fisher sa 36th Tokyo International Film Festival at pinuri ito at pinalakpakan. Palabas na ang The Fisher, sa mga sinehan nationwide. Co-writer, pala ni Direk Paul sa movie ay si Anton Santa Maria. This is a must-watch movie at hindi kayo maghihinayang sa ibabayad ninyo sa sinehan.