Advertisers

Advertisers

Lance, Rannie, Chase, at Ali pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency

0 24

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SINA Lance at Rannie Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes ay pumirma ng kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency.

Nauna sina Lance, Rannie, at Chase sa contract signing noong Oct. 9 dahil busy si Ali sa pag-aaral ng Law. Pero last October 20 ay nakapirma na rin ng kontrata ang former beauty queen, actress/singer.



Nakapanayam namin recently sina Lance at Doc Mike Aragon at marami silang naikuwento sa amin.

Si Doc Mike na co-manager ng apat ay ang producer ng “WPS” series, founder ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Brodkaster ng Pilipinas), at Media Affairs head ng Knights of Rizal all over the world.



Ayon kay Doc Mike, kabilang sa kanyang plano sa apat niyang talents ay buuin sila bilang singing group na magagamit sa kanyang mga advocacy projects, kung paano niya maisasakatuparan at mailalapit sa kabataan na buhayin si Dr. Jose Rizal sa kanilang puso.

Esplika ni Doc Mike, “I will form them as a singing group to support my projects and advocacies on love of country, nationalism and patriotism that our national hero Dr. Jose Rizal calls for, most especially ang ating mga kabataan.”



Kasama rin sa plano ang paggawa ng pelikula at mobile games.

Pinaplantsa na ngayon ang kanta para kina Lance, Rannie, Chase, at Ali na pang Gen -Z at Millennial version. Ayon kay Doc Mike, ang kantang Ako ay isang Rizalino, isang original soundtrack ng upcoming movie na Rizalino, ay originally conceptualized and created by Dr. Michael Raymond Apacible, Knights of Rizal (KOR) Media Affairs Chief na mapapanood soon sa Viva Movie Box.

May mobile game (RPG) na ilalabas si Doc Mike, pati na ang vertical movie series na ang titulo ay “Fatanas” na nagtatampok kina Lance bilang Commander Wolf; Rannie bilang Commander Barako; Chase as Princess Rome, at Ali bilang Phantom.

Ang nasabing mobile game ay prodyus in collaboration with Rizal Media, OPC.

Ayon naman kay Lance, “Iyong Fatanas I wrote it in 2011, may music video siya at naging controversial ito noong 2011 kasi may mga happenings sa bansa na akala nila iyon ang tinutukoy ko. Pero actually iyong Fatanas, personal na kanta ko lang iyon againts sa frustration ko as a Filipino. Na imbes na umunlad tayo, we move forward… ay maraming mga sakim, maraming suwapang na pangsarili lang ang ginagawa.

“For me, yung selfishness, kasakiman, corruption ay gawa ng demonyo, hindi ba? Parang symbolic lang, na pasok lang nang pasok ng pera at walang kabusugan, kaya lumolobo ka, kaya naging Fatanas…

“Not an insult for fat people, especially nowadays, kasi may body positivity, hindi ba? Noong 2011 ay wala pa iyon noon e, hindi ito body shaming…

“So, si Doc Mike ang nag-suggest tungkol sa isang project, na feeling niya ay bagay ang song kong Fatanas. Ako naman, why not? Kasi nga, nakita ko rin yung pakay niya, kung bakit gusto niyang gamitin iyong kanta. So, ibinigay ko yung song.”