Advertisers

Advertisers

Pagdaan sa bagong NLEX Segment, libre hanggang katapusan ng 2026 – Marcos

0 28

Advertisers

TINATAYANG 11,000 sasakyan kada araw ang makikinabang sa mas mabilis at direktang ruta.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag matapos pangunahan ang pagbubukas ng NLEX Segment 8.2 Section 1A, na nag-uugnay sa Mindanao Avenue at Quirino Highway.

Dahil sa bagong 2-kilometrong expressway segment, magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula sa dating 40 minuto.



Kasabay nito, inanunsiyo rin ng Pangulo na libre sa mga motorista ang pagdaan dito hanggang katapusan ng taon.

Ayon kay PBBM, inaasahang mapapabilis nito ang paggalaw ng mga tao at produkto, makatutulong sa fuel savings, at magbibigay ng karagdagang ruta sa mga motorista ngayong Undas.



Aniya, ang maayos na transport system ay isa sa mga makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya dahil sa ambag nito sa pagpapababa ng transport costs, pagtitipid sa konsumo ng gasolina, pagpapabilis ng delivery ng mga kalakal, at pagpapataas ng productivity. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">