Advertisers

Advertisers

Senior Citizens Partylist, pumalag sa pagdakip ng veteran mediaman

0 29

Advertisers

Mariing pinalagan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes ang ginawang pagkaka aresto sa beteranong mamamahayag at 72 anyos na si Philip Lustre sa isang restaurant kamakailan sa Quezon City.

Ayon kay Ordanes, hindi tama at hindi makatwiran ang ginawa ng pulisya ng biglaing dakpin ang naturang matandang mamamahayag at hindi man lamang pinaalam kung sino ang nagsampa ng kaso kung kayat nabigla ang veteran journalist.



Si Lustre Jr. ay dinakip ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 bandang alas-11:10 ng umaga sa Dapo Restaurant sa naturang lungsod sa kasagsagan ng news forum, na isinasagawa tuwing Sabado sa Scout Borromeo Street.

Ani Cong. Ordanes hindi man lang binigyang konsiderasyon ng pulisya si Lustre sa kabila ng pagiging senior citizen nito.



Handa namang makipag kooperasyon ang beteranong mamamahayag anuman ang kanyang kinakaharap na kaso.

Inaresto ng pulisya si Lustre sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 10 sa Davao City sa kasong cyber libel.



Itinakda ng korte ang piyansa ni Lustre sa halagang P48,000 sa kasong cyberlibel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 subalit agaran namang nakapag piyansa nung gabing iyon sa tulong ni Atty. Dino de Leon na siya ring tumayong abugado nung araw na iyon.

Sinabi ni Lustre habang nasa media forum na wala siyang alam sa reklamong libel o cyber libel at nabulaga na lang nang dumating ang mga pulis at dakpin siya.

Idinagdag pa ni Cong. Ordanes na naka suporta ang Senior Citizens Partylist sa kanyang laban matapos ang naganap na pandarakip sa naturang beteranong mamamahayag.

Si Lustre ang may akda ng aklat na “Kill, Kill, Kill” na tumatalakay sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa kaugnay ng “crimes against humanity” sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.