Advertisers

Advertisers

Gobyerno, target gawing electric vehicles ang kalahati ng bilang ng mga sasakyan sa 2040 — PBBM

0 29

Advertisers

TARGET ng pamahalaan na maabot ang 50 porsiyentong bahagi ng electric vehicles (EVs) sa kabuuang bilang ng mga sasakyang ginagamit sa bansa pagsapit ng 2040.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines Inc. sa Biñan, Laguna.

Ayon sa Pangulo, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga pasilidad na gumagawa ng electric vehicles upang mas mapalawak ang paggamit ng mas malinis na transportasyon sa bansa.



Giit niya, bahagi ito ng komprehensibong roadmap ng pamahalaan para sa industriya ng EVs na naglalayong palakasin ang energy security, suportahan ang innovation at makahikayat ng mga bagong investment.

Bukod dito, inatasan na rin aniya ang mga ahensya ng gobyerno na unahin o isaalang-alang ang pagbili ng electric vehicles sa tuwing kukuha o uupa ng mga sasakyan.



Sabi ng Pangulo, inaasahang magbubukas ng mga oportunidad sa trabaho at negosyo. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">