Advertisers
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga bagong pinuno ng Commission on Audit (COA) at Maharlika Investment Corporation (MIC).
Nanumpa sa pangulo sina bagong COA Chairperson Atty. Douglas Michael Mallillin at MIC President and CEO Ma. Angela Ignacio sa Malacañang.
Dating COA commissioner si Mallillin na papalit kay Gamaliel Cordoba, na itinalagang associate justice ng Korte Suprema.
Samantala, si Ignacio ay dating undersecretary ng Department of Finance. Pinalitan niya si Rafael Consing bilang pinuno ng MIC.
Inaasahang tututukan ni Mallillin ang maayos na pag-audit sa pondo ng gobyerno, habang pangungunahan naman ni Ignacio ang pamamahala sa investments ng Maharlika. (Vanz Fernandez)