Advertisers
Arestado ng mga security forces sa probinsiya ng Sulu ang babaeng Indonesian suicide bomber sa barangay San Raymundo sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng Jolo, Sulu nitong Sabado ng madaling araw
Kinilala ni JTF Sulu Spokesperson Lt Col. Ronaldo Mateo ang nahuling suicide bomber na si Rezky Fantasya Rullie, aka Cici; at dalawa pang babae na kasama nito sa bahay na pinagmamay-ari ni ASG sub-leader Ben Tatoo na sina sina Inda Nurhaina, asawa ni ASG sub-leader Ben Tatoo; at Fatima Sandra Jimlani, asawa ni Jahid Jam, na isang ASG member.
Nakuha sa posisyon ng mga inarestong indibidwal ay suicide vest na may nakasabit na pipe bombs at iba pang mga improvised explosive device (IED) components.
Ayon kay BGen William N Gonzales, Commander of JTF Sulu matagal na nilang tinutugis ang nasabing banyagang terorista na isang suicide bomber.
Ang asawa ni Rullie na si Andi Baso, isa ring suicide bomber na nasawi sa engkwentro laban sa mga sundalong Army Scout Ranger nuong August 29, 2020.
Anak si Rullie ng mag-asawang Indonesian na nagpasabog sa Jolo Cathedral nuong January 27, 2019. Ang grupo nina ASG Leader Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron ang siyang nagkakanlong sa mga nasabing terorista.(PFT team)