Anne at Jasmine suportado ang ermat na may dyowang bagets; Bea malabo na ang wish na magkaroon ng maraming anak
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagsalang ni Bea Alonzo sa vlog ni Small Laude ay pinuri nito ang kagandahan ng aktres at kagwapuhan ng bf ng actress na si Dominic Roque.
Kaya naitanong kay Bea kung ilang anak ba ang gusto nito kung magpamilya na sila.
Ayon kay Bea, kung siya ang tatanungin ay gusto nito na maraming anak.
Pero may pangamba ito na hindi na ito mangyayari dahil sa kanyang edad.
Nasa 35 years old na kasi ang Kapuso actress kaya tila ang big family na dream ay di na magkakaroon ng katuparan.
Nasa right age na nga raw si Bea para magdesisyon na bumuo ng sariling family.
Ang tangi na lang nasagot ng aktres sa tanong ng vlogger na nangingiti na sayang naman daw ang lahi.
Inaasahanna if ever na bumuo na sila ng family after kasalan ay napakakukyut ng magiging tsikiting nina Bea at Dominic.
Hindi man mangyari ang maraming anak na gusto ni Bea, kahit isa or dalawang kids ay ubra pa dahil tunay naman na sayang ang lahi.
***
NAGPAKITA na nga ng suporta si Anne Curtis sa ina si Mommy Carmen na super inlababo ngayon sa bagets na dyowa.
Malabo naman na mapigilan pa ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis Smith ang pagka-inlab ng ina.
Maganda na rin nga sa magkapatid na may kapareha ang ina para may titingin dito.
Besides, may sariling pamilya na si Anne at si Jasmine ay baka bumuo na rin ng sarili.
Basta kung saan nga raw maligaya ang nanay nina Anne at Jasmine ay susuportahan nila ito.
Isa lang naman ang kahilingan ng mag-sis, na mahalin at huwag sasaktan ng batang dyowa ang kanilang nanay.
Ang mahalaga naman daw ay tanggap nina Anne ayJasmine ang batang dyowa ng ina at sino ba naman sila para tumutol, di ba?
Well, well, well… ‘Yun na!