Advertisers
AGAD at namahagi ng tulong si Senador Christopher “Bong” Go sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Sen. Go sa mga komunidad na nalalagay sa peligro ng oil spill.
“My heart goes out to the residents of Oriental Mindoro and nearby areas who are facing the effects of this oil spill,” ani Go.
“Gagawin po natin ang lahat ng ating makakaya upang makatulong sa kanila,” dagdag ng senador.
Nauna rito, hinimok ni Go ang mga kinauukulan na gumawa ng agarang aksyon upang matugunan ang insidente ng oil spill sa pagtaob ng MT Princess Empress na nagdulot ng napakalaking pinsala sa mga apektadong komunidad.
Hinikayat din ni Go ang may-ari ng barko na akuin ang buong responsibilidad sa insidente.
Ang MT Princess Empress, na may kargang 900,000 litro ng industrial fuel ay lumubog sa karagatan sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.
Ginanap sa Brgy. Ang Zone 1 covered court sa Barangay Wawa covered court, Pinamalayan, namahagi ng tulong gaya ng makakain ang grupo ni Go sa 500 residente. Bukod dito, ang mga piling benepisyaryo ay binigyan ng cellphone, sapatos, at bola para sa basketball.
Nagbigay naman ang Department of Social Welfare and Development ng hiwalay na tulong pinansyal sa mga apektadong residente.
Sa gitna ng epekto sa kalusugan ng oil spill, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagbibigay ng pangunahing serbisyong medikal sa mga komunidad na nangangailangan.
Nagsagawa rin ng relief operation ang grupo ni Go sa mga biktima ng oil spill sa Gloria, Oriental Mindoro, isang araw matapos ang aktibidad sa Pinamalayan.
Namahagi ang team ni Go ng food packs sa 500 apektadong residente sa Gloria municipal covered court.
Nitong Lunes, personal na bumisita at nagkaloob ng tulong si Senator Go sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa bayan ng Pola.
Ang napapanahong interbensyon ni Go ay isang malaking kaluwagan para sa mga apektadong residente na nahihirapan sa idinulot ng oil spill.
Kilala sa walang humpay na pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan, hindi nag-aaksaya ng panahon si Sen. Go sa pagtugon sa krisis.
Habang ang kanyang koponan ay patuloy sa aktibidad na pagtulong sa mga apektadong bayan ng oil spill, muling iginiit ni Go ang isang komprehensibong plano na hindi lamang tutugon sa mga kagyat na problema. Nais niyang tiyakin ang pangmatagalang pagrekober ng mga apektadong komunidad.